Bagyong Harvey na nananalasa sa Amerika, isa nang category 4 hurricane

World – Idineklara na bilang category 4 ang hurricane Harvey na patuloy na nananalasa sa Texas sa Amerika.

Ang lakas ng hangin na dala na nito ngayon ay nasa 130 miles per hour.

Nagland fall ang bagyo sa Corpus Christi, Texas bandang alas diyes ng gabi, oras sa Amerika.


Ito na ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Estados Unidos sa loob ng mahigit isang dekada.

Facebook Comments