Ala-6:30 ng gabi kahapon nang pumasok ng Philippine Area of Responsibilty (PAR) ang Tropical Storm Pulasan na tatawagin nang Bagyong Helen.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,290 kilometers sa Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at may pagbugsong umaabot sa 105 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 40 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pang lugar sa bansa ang nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Pero asahan pa rin ang mga pag-ulan ngayong araw bunsod ng habagat na mas pinalakas ng Bagyong Helen at Bagyong Gener.
Inaasahan namang lalabas na ng bansa ang Bagyong Gener ngayong araw.
Facebook Comments