Bagyong Henry, bahagyang humina pero halos walang nagiging paggalaw; Signal No.1 nakataas sa 3 lugar sa Hilagang Luzon

Bahagyang humina at patuloy pang bumagal ang Bagyong Henry habang binabaybay ang karagatang malapit sa isla ng Batanes.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 395 kilometro east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 215 kilometro kada oras.


Sabi ng PAGASA, halos hindi gagalaw ang bagyo ngayong umaga pero mamayang tanghali ay patungo na ito sa hilagang kanluran ng bansa bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o sa linggo ng umaga.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Hilagang Luzon kabilang ang Batanes, Babuyan Islands, at Northeastern portion ng Mainland Cagayan.

Pinalalakas din ng bagyo ang hanging habagat na nagdadala naman ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Facebook Comments