BAGYONG HENRY | ‘Blue alert’ itinaas ng NDRRMC

Manila, Philippines – Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ‘blue’ ang kanilang alert status.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Henry.

Pinangunahan ni NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo Jalad ang meeting na dinaluhan ng iba’t-ibang member-agencies ng NDRRMC tulad ng: DOST-PAGASA, DILG, DSWD, DENR-Mines and Geosciences Bureau, DOTr, DICT, DPWH, AFP, Philippine Coast Guard (PCG), National Mapping and Recourse Information Authority, National Economic Development Authority (NEDA), BFP, PNP at DepEd.


Ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMC) sa Region 1,2,3, Calabarzon, MIMAROPA, 5,6,7,8, NCR at CAR ay sumama rin sa meeting sa pamamagitan ng video conference.

Inabisuhan na ng DILG ang mga Local Government Unit (LGU) na ipatupad ang mga preparedness activities sa ilalim ng operation listo.

Tiniyak naman ng DSWD na may sapat na relief items kabilang ang standby funds at pagpapadala ng mga kinakailangang food at nonfood items.

Facebook Comments