BAGYONG HENRY | Mahigit 300 na pasahero, na-stranded sa Palawan – PCG

Manila, Philippines – Pumalo na sa 351 pasahero 5 vessels at 3 motorbanca ang naistranded dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng tropical depression Henry.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo iniulat ng Coast Guard District Palawan sa Coron Pier na mayroong 83 pasahero at passengers – 83 2 Vessels ang nai-stranded habang sa Rio Tuba Port naman ay 35 passengers, 2 vessels at 2 motor/banca ang naistranded, sa El Nido Pier umaabot sa 213 passengers at 1vessel ang nai-stranded at sa Toran Wharf ay mayroong 20 pasahero at 1 motor banca ang nai-stranded dahil sa patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Patuloy ang ginagawang monitoring ng PCG sa mga pantalan upang mabigyan ng abiso ang mga pasahero kung ano ang kanilang nararapat na gawin sa mga ganitong insidente.


Pinayuhan din ni Balilo ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang mga paligid at tiyaking nasa ligtas silang kalagayan at huwag magpupumilit na pumalaot kapag ganitong malakas ang buhos ng ulan upang maiwasan ang anumang aksidente.

Facebook Comments