Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Henry.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 kilometers Hilaga Hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Lumiko ito pa-Hilaga Hilagang-kanluran sa Silangan ng China Sea at kumikilos sa bilis na 15 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 km/h at pagbusong aabot sa 185 km/h.
Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.
Gayunpaman, makararanas pa rin ng mga pag-ulan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Northern Luzon at kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon bunsod ng Southwest Monsoon o hanging habagat na pinalalakas ng Bagyong Henry.
Magdadala rin ito ng malakas na hangin sa Batanes at Babuyan Islands.
Maaari rin itong maranasan ngayong araw sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, Metro Manila, Bicol Region, at sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Mindoro at Romblon.