BAGYONG HENRY | Orange warning level, nakataas sa Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas

Manila, Philippines – Alas 7: 35 ngayong umaga ng itaas ng PAGASA Weather Bureau sa orange warning level ang Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas.

Base sa pinakahuling heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, ito ay dahil sa patuloy malawak na pag-ulan sa ilang panig ng bansa dulot ng habagat.

Sa mga nabanggit na lugar, may mga banta na ng pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.


Nasa yellow warning level naman ang lalawigan ng Rizal, Cavite, Pampanga at Zambales na may mga pagbaha na sa mabababang lugar.

Nakakaranas naman ng light to moderate na may manaka-nakang malakas na buhos ng ulan ang lalawigan ng Laguna at Quezon sa loob ng tatlong oras.

Bukod dito, inaasahan ding nakakaranas ng light to moderate rains ang lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Ang susunod na advisory ng PAGASA ay ilalabas mamayang alas-11 ng umaga.

Facebook Comments