Bagyong Huaning, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Huaning na mayroong international name na Haitang.

Ayon sa PAGASA, wala na itong direktang epekto si Huaning sa ating bansa kaya wala ng nakataas na tropical cyclone signal.

Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa Luzon lalo sa Northern at Central Luzon.


Ngayong araw, makakaranas ng maulap na kalangitan na may light to moderate rains at thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at lalawigan ng Bataan at Zambales.

Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay makakaranas ng fair weather maliban sa isolated rainshower sa hapon o gabi.

Samantala, maliit naman ang tsansa na pumasok sa bansa ang bagyong may international name Noru na humahagupit sa Japan.

Facebook Comments