Weather – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Huaning.
Huli itong namataan sa layong 250 kilometers kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kph.
Kaugnay nito, isinailalim na sa signal number 1 ang mga probinsya ng Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra at northwestern part ng Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.
Sa interview ng RMN-DZXL kay PAGASA weather forecaster Rob Gile, bukas ng umaga lalabas na ng par ang bagyo pero inaasahang magla-landfall na ito sa taiwan mamayang gabi.
Pinalalakas din ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan sa western section ng northern at central Luzon, partikular sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.
Habang sa Central Luzon at Cagayan Valley, maulap na kalangitan na may mahina at katamtamang lakas ng pag-ulan, pagkulog-pagkidlat ang inaasahan.
Samantala, posible pa ring makaranas ng pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Abangan ang susunod na update kay tropical storm Huaning mamayang alas 5:00 nang hapon.