Bagyong Huaning, tinutumbok na ang Taiwan; dalawa pang bagyo, patuloy na binabantayan ng PAGASA

Manila, Philippines – Bukod kay bagyong Huaning, dalawang bagyo ang binabantayan ng Pagasa.

Kabilang dito ang isang typhoon ‘Noru’ na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na may layong 1,975 kilometers silangan ng Basco, Batanes na wala pang epekto sa bansa.

Ikalawa naman ay ang Bagyong ‘Gorio’ na humina at ganap na lamang na tropical depression huling namataan sa layong 835 kilometers hilagang kanluran ng Basco, Batanes.


Ang nakakaapekto ngayon sa bansa ay ang tropical storm ‘Huaning’ na nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility at kasalukuyang tinutumbok ang Taiwan.

Huling namataan ang bagyong huaning sa layong 525 kilometers hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas na hanging aabot sa 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong huaning ngayong umaga o mamayang tanghali.

Wala na ring nakataas na storm warning signals.

Pero asahan pa rin ang maulang panahon sa kanlurang bahagi ng Luzon dulot ng southwest monsoon o habagat.

Facebook Comments