Bagyong Ida, hinagupit ang Southern Louisiana, New Orleans sa USA

Hinagupit ng Bagyong Ida ang Southern Louisiana, New Orleans sa Estados Unidos nitong Linggo.

Ayon sa US National Hurricane Center, mula category 4 ay ibinaba sa category 3 ang bagyo na singlakas ng mapaminsalang Hurricane Katrina na tumama rin sa lugar noong 2005.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng NHC ang mga residente na mag-ingat sa harap ng babalang storm surge na posibleng magresulta ng “life-threatening situation” sa southern US City.


Sa ngayon, isa na ang napaulat na nasawi matapos na mabagsakan ng puno ang kaniyang bahay sa Ascension Parish.

Wala na ring kuryente ang mahigit 750,000 kabahayan at ayon kay US President Joe Biden, posibleng abutin pa ng ilang linggo bago ito maibalik.

Facebook Comments