Lalo pang lumakas ang Bagyong Inday habang kumikilos patungong silangang bahagi ng katimugang Taiwan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 350 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 115 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA-DOST, magdadala ng pag-ulan at pagkulog ang habagat na bahagyang pinalakas ng outermost rainbands ng bagyo sa Batanes at kanlurang bahagi ng katimugang Luzon.
Sa kabila nito, nananatili pa ring maliit ang tiyansa na magdala ito ng malalakas na pag-ulan.
Samantala, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Batanes habang bahagyang maulap na may pag-ulan din ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na dala naman ng isolated thunderstorms.