Friday, January 16, 2026

Bagyong Ineng, bumilis habang nasa Philippine Sea

Bumilis ang kilos ng Bagyong “Ineng” habang nasa hilagang bahagi ng Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,175 kilometers silangan hilagang-silangan ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 70 km/h.

Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Bukas, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Samantala, dahil sa habagat ay patuloy na uulanin ngayong araw ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.

Facebook Comments