Cauayan City, Isabela- Mino-monitor ngayon ng PAGASA ang Tropical Depression ‘Isang’ na nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang umaga.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,410 km silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 55 km/h.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 25kph.
Mananatili ang bagyong ‘Isang’ malayo sa Philippine archipelago at patuloy ang pagkilos nito pahilagang kanluran.
Inaasahan namang lalabas ito ng PAR sa Linggo ng umaga o hapon.
Dagdag dito, posibleng humina ito bilang Low Pressure Area (LPA) sa Lunes.
Facebook Comments