Papalapit na ng kalupaan ang Tropical Depression ‘Jenny.’
Base sa 11pm Weather Bulletin ng Pag-asa, huling namataan ang bagyo sa layong 530 Kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Bahagyang lumakas ang dala nitong hanging aabot sa 55 Kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 Kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 Kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cylone Wind Signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, tarlac, Northern Portion of Zambales, Hilagang bahagi ng Quezon, kasama ang Polillo Islands, at Catanduanes.
Kaya asahan ang madalas na malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, at Quezon.
May mahihinang ulan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Zamboanga Peninsula.
Ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa silangang baybayin ng Isabela-Aurora area mamayang gabi o bukas ng umaga.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.
Maglalabas ang Pagasa ng bagong Weather Bulletin ngayong alas-5:00 ng umaga.