Bagyong Jenny, bahagyang lumakas habang papalpit ng bansa

Bahagyang lumakas ang bagyong Jenny habang papalapit ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 845 kilometers, silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour at may pagbugso na hanggang 105 kilometers per hour.


Kumikilos naman ito sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng pag-ulan ang trough o buntot ng Tropical Storm Jenny sa Isabela, Aurora, Quezon Province at Bicol Region.

Habang Southwest Monsoon o hanging Habagat ang magpapaulan sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, BARMM at buong Visayas.

Maging handa rin sa banta ng pag-ulan ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa bunsod naman ng localized thunderstorms.

Facebook Comments