Bagyong Jenny bumilis ang galaw papalapit ng hilagang Luzon

Hindi inaalis ng DOST-PAGASA na lumakas ang tropical depression ‘Jenny’ bago tumama ng kalupaan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes.

Napanatili nito ang lakas na nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kilometers per hour.


Bumilis ang kilos ng bagyo sa 25 kilometers per hour.

Nakataas ang tropical cylone wind signal number 1 sa:

Cagayan

Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Aurora

Nueva Ecija

Tarlac

Zambales

Bataan

Pampanga

Bulacan

Metro Manila

Rizal

Hilagang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)

Cavite

Laguna

Camarines Norte

Hilagang bahagi ng Camarines Sur

Catanduanes

Kaya asahan ang madalas na malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.

May paminsang malalakas na ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Bangsamoro Region.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Aurora mamayang gabi.

Palalakasin din ng bagyo ang hanging habagat na makakaapekto sa Visayas at iba pang lugar sa Luzon.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Huwebes.

Facebook Comments