Tumama na ng kalupaan ang Tropical Depression Jenny.
Base sa Weather Bulletin ng DOST-PAGASA kanilang alas-dos ng madaling araw, huling namataan ang sentro o mata ng bagyo sa bisinidad ng Dinalungan, Aurora.
Dahil sa pag-lanfall nito sa Casiguran, Aurora ay humina ang taglay nitong lakas ng hanging aabot sa 55 Kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 Kilometer per hour.
Kumikilos ito kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pampanga, Bulacan, hilagang parte ng Quezon (kasama ang Polillo Islands).
Kaya asahan ang panaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Aurora.
May mahihinang ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, Palawan, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.
Delikado pa ring maglayag sa lugar na nasa ilalim ng Wind Signals at maging sa baybayin ng extreme Northern Luzon.
Maglalabas ng latest Weather Bulletin ang PAGASA ngayong alas-5:00 ng umaga.