Lumakas pa at isa nang tropical storm ang bagyong “Jenny.”
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,145 kilometers silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito sa pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 65 km/h at pagbugsong 80 km/h.
Ayon sa PAGASA, hindi pa direktang nakaaapekto sa bansa ang tropical cyclone pero maaari nitong palakasin ang hanging habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Hindi naman isinasantabi ng PAGASA ang posibilidad na mag-landfall o lumapit ang bagyo sa Extreme Northern Luzon o sa Northeastern Mainland Cagayan.
Inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm ngayong araw at posibleng umabot sa typhoon category bukas o sa Martes.
Facebook Comments