Nakatawid na ng bulubunduking bahagi ng hilagang Luzon at nakalabas na ng kalupaan ang tropical depression Jenny.
Huling namataan ang bagyo sa layong 125 kilometers hilagang kanluran ng Dagupan, Pangasinan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 85 kph.
Mabilis ang galaw sa 35 kph at patungong west northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa:
Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Zambales
Tarlac
Nueva Ecija
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Aurora
Pampanga
Bulacan
Hilagang parte ng Quezon (kasama Polillo Islands)
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – dahil wala na sa lupa ang bagyo mataas ang tiyansang lumakas ito.
Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Ilocos, Cordillera at Cagayan.
May panaka-nakang malakas na ulan sa Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro at Palawan.
Mapanganib na maglayag sa baybayin ng northern at central Luzon at eastern at western seaboards ng southern Luzon.