Bagyong Jolina, Maring at Ompong, tinanggal na sa listahan ng mga pangalan ng bagyo

Tinanggal na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa listahan ang pangalan ng tatlong mga bagyo na naging mapaminsala.

Sa 157th National/72nd World Meteorological Day 2022 Forum, inanunsyo ng PAGASA na kabilang sa mga pangalang niretiro ay ang Jolina, Maring at Odete.

Batay sa tala ng Weather Bureau, nag-iwan ang bagyong Jolina ng ₱1.4-B na halaga ng pinsala at ay dalawampung nasawi.


Nakapagtala naman ng 20 na nasawi at ₱7.3-B na halaga ng pinsala si Maring.

Si Odette naman ay nakapagtala ng 400 na nasawi at ₱47-M na halaga ng pinsala.

Papalitan si Jolina ng pangalang Jacinto. Si Maring ay Mirasol at si Odette ay Ompong.

Magagamit ang mga ipinalit na pangalan sa 2025 season kung saan mauulit ang listahan na pangalan na ginamit noong 2021.

Aabot na sa 51 na pangalan ng bagyo ang ang iniretiro mula nang gumamit ng lokal na pangalan ang PAGASA noong 1963.

Facebook Comments