Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Jolina.
Sa kabila nito, makararanas pa rin ng thunderstorm ang malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Zambales, Bataan, Metro Manila at Ilocos Region dahil sa habagat.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) kahapon, nasa 549 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 30 barangay sa region 2, 3 at Cordillera Administrative Region.
Samantala, ayon sa PAGASA, tinatahak ngayon ng bagyo na may international name na Pakhar ang katimugang bahagi China sa bilis na 25 kilometers per hour.
Kaninang alas 5:10 ng umaga, nakataas na ang tropical cyclone signal no. 8 sa Hong Kong.
Dahil dito, bawal nang lumabas sa kanilang mga bahay ang mga residente at kanselado na rin ang lahat ng public transport sa Hong Kong.
Sunrise: 5:43
Sunset: 6:11