Bagyong Jolina, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility; Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, nakataas sa 4 na lugar dahil sa Bagyong Kiko

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jolina dakong alas-6 kagabi.

Bagama’t wala nang epekto sa ating bansa, Bagyong Kiko naman ang patuloy na binabantayan na huling namataan sa layong 320 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong aabot sa 240 km/h.


Kumikilos ito sa pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Dahil sa bagyo, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod:

Batanes
Babuyan Islands
Northeastern portion ng mainland Cagayan
at Northeastern portion ng Isabela

Habang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang nakataas sa mga sumusunod:

Nalalabing bahagi ng Mainland Cagayan
Northeastern portion ng Ilocos Norte
Apayao
Eastern Portion ng Kalinga
Northwestern at southeastern portions ng Isabela
At northern portion of Aurora

Inaasahang lalabas ng Pilipinas ang bagyong Kiko sa linggo at babagtas patungong East China Sea.

Facebook Comments