BAGYONG JOSIE | Marikina, isinailalim na sa state of calamity

Marikina City – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Marikina kasunod ng masamang panahon dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Josie.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, nasa 1,200 pamilya o higit 5,000 indibiduwal na ang inilikas at nananatili sa siyam na mga evacuation center sa lungsod.

Isinara naman sa mga motorista ang Riverbank Road.


Nabatid na may 17 evacuation center na hinanda ang pamahalaang lokal sakaling dumami pa ang evacuees.

Facebook Comments