BAGYONG JOSIE | NDRMMC, naka-‘red’ alert status na bunsod ng pag-uulan na hatid ng habagat na pinalakas ng bagyo

Itinaas na ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ‘red’ ang alert status dahil sa inaasahang epekto ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Josie.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posada – ibig sabihin, inaatasan na ang member-agencies na tulungan ang mga pamilyang apektado ng matinding pag-uulan.

Sa ilalim ng red alert status, awtomatikong aktibo na ang response cluster.


Sa huling datos ng NDRRMC, nasa halos 50,000 pamilya o higit 198,000 indibidwal mula sa 242 barangay ang apektado ng pag-uulan sa regions 1, 3, CALABARZON, Mimaropa, Region 6, cordillera <maps.google.com/?q=6,+CORDILLERA&entry=gmail&source=g> at National Capital Region.

Facebook Comments