Hindi direktang mararamdaman sa Metro Manila ang Bagyong Julian
Ayon kay Chris Perez, ang assistant weather chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kung pagbabatayan ang kasalukuyang kilos ng bagyo, ang Hilagang Luzon ang tutumbukin ng bagyo.
Hindi na rin inaasahan ang grabeng pag ulan sa Metro Manila dahil pahina na ang habagat.
Ganunpaman, pinapayuhan pa rin ni Perez ang publiko na magbantay dahil posible ang pagbabago ng direksyon ng bagyo.
Kung pagbabatayan ang pagtaya ng PAGASA, sa linggo nararanasan ang malalakas na pag ulan sa Cagayan, Batanes, Apayao at Ilocos Norte.
Facebook Comments