Bagyong Julian, lalo pang lumakas at hindi gumagalaw sa Philippine Sea

Lalo pang lumakas at halos hindi gumagalaw sa Philippine Sea ang Bagyong Julian.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 760 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers at pagbugsong 170 kilometers.


Posibleng magdulot ang outer rain band ng bagyo ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bicol Region at malalakas na pag-ulan sa Catanduanes.

Patuloy namang iiral sa Luzon ang Habagat na magdadala ng mahihina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na mga pag-ulan sa Pangasinan, Zambales at Bataan.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

Facebook Comments