Bagyong Julian, lumakas bilang Severe Tropical Storm

Lumakas pa bilang Severe Tropical Storm ang Bagyong Julian.

Huling namataan ang bagyo sa layong 850 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 115 kilometers per hour.


Halos hindi gumagalaw ang bagyo sa pwesto nito.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Benison Estareja, mananatili ang bagyo sa Philippine Sea at malayo sa kalupaan.

Dahan-dahang kikilos pahilaga ang bagyo at lilihis pahilagang-silangan bukas, August 30, at pahilagang-kanluran sa Lunes, August 31.

Kaya asahan ang kalat-kalat na mahihinang pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon at Samar Provinces

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging maulap at mababa ang tiyansa ng ulan.

Mananatili ang maaliwalas na panahon sa Visayas at Mindanao.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes, August 31.

Facebook Comments