BAGYONG KARDING | Mahigit 2-M indibidwal naapektuhan ng bagyong Karding

Mahigit limang daang libong pamilya o katumbas ng mahigit dalawang milyong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa bagyong Karding.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga apektadong pamilya ay mula sa 1,789 na mga barangay sa Regions I, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, CAR at National Capital Region.

Sa mahigit limang daang libong pamilyang apektado, mahigit 77 libong pamilya rito ay napilitang lumikas.


268 na pamilya ay nasa 18 mga evacuation centers habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kamaganak.

Kaugnay nito umabot naman sa mahigit isang daan at dalawangpung milyong piso ang tulong na naipaabot na ng ibat ibang ahensya ng pamahalan para sa mga naapektuhang ng bagyong Karding.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng NDRRMC operation center sa mga lugar na patuloy na inuulan dulot ng habagat.

Facebook Comments