Bagyong “Karding”, napanatili ang lakas habang papalayo na sa kalupaan ng Luzon

Napanatili ng Bagyong “Karding” ang lakas nito habang papalayo na ng kalupaan ng Luzon.

Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA-DOST, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 190 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras at taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 170 kilometro kada oras.


Sa ngayon, tanging ang western section ng Pangasinan at northern portion ng Zambales na lamang ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.

Habang nakataas naman ang Signal no. 1 sa:

  • La Union,
  • Nalalabing bahagi ng Pangasinan,
  • Southern portion ng Benguet
  • Nalalabing bahagi ng Zambales,
  • Northern portion ng Bataan
  • Tarlac,
  • Pampanga,
  • At western portion ng Nueva Ecija

Ayon pa sa PAGASA, posibleng mamayang gabi na lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo at magtutungo sa Vietnam.

Facebook Comments