Manila, Philippines – Nakatawid na sa Batanes ang Tropical Depression Kiko.
Huli itong namataan sa layong 95 kilometers kanluran ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas na hanging aabot sa 55 kilometers per hour bat pagbugsong 65 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilaga, hilagang kanluran sa bilis 20 kph.
Nakataas ang storm signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa ngayon, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Northern Luzon.
Mayroon namang nakikitang mahihinang pag-ulan sa Ilocos provinces.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay asahan ang maaliwalas na panahon pero may posibilidad ng thunderstorms.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.
Facebook Comments