Bagyong Kiko, napanatili ang lakas habang palabas ng PAR

Manila, Philippines – Napanatili ni bagyong Kiko ang kanyang lakas habang patuloy na kumikilos palabas ng Philippine Area of Responsibility.

Nas 55 kilometers per hour pa rin ang lakas ng hangin na dala ni kiko at pagbugso na aabot sa 65 kilometers per hour.

Nakataas ang public storm signal number one ngayon sa Batanes at Babuyan Group of Island.


Samantala – dahil sa bagyo, suspendido ngayon ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa Cagayan province.

Kanselado rin ang flights ng Cebu Pacific, partikular ang 5j 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila.

Facebook Comments