Manila, Philippines – Napanatili ni Tropical Depression Kiko ang kanyang lakas habang tumatawid ng hilagang Luzon.
Huli itong nakita sa 335 kilometers, silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot 65 kph.
Tinatahan nito ang direksyong kanluran – hilagang kanluran sa bilis 15 kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagaya, Apayao at Ilocos Norte.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Northern Luzon.
May paminsan-minsang pag-ulan naman sa bahagi ng Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa bukas ng gabi.
Samantala, wala nang pasok sa pre-school hanggang senior high school sa Cagayan Province.