Bagyong Kiko, posibleng lumakas at bumagal pa

Manila, Philippines – Lumakas at bumagal pa ang bagyong Kiko habang patuloy na tumatawid ng Balintang channel.

Taglay na ngayon ng bagyong Kiko ang lakas ng hanging na aabot sa 60 kilometers kada-oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers kada-oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.


Kumikilos ito sa direksyong hilagang kanluran sa bilis na 10 Kph.

Inalis na ang lahat ng tropical cyclone warning signals sa bansa.

Mamayang gabi o bukas ng umaga, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Kiko.

Facebook Comments