Bagyong Kristine, bahagyang humina habang nananatili sa extreme northern Luzon

Bahagyang humina at bumagal ang Typhoon Kristine habang kumikilos pa-hilagang kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,080 kilometers silangan hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Gayunman, wala namang direktang epekto ang bagyo sa bansa.

Nakataas naman ang gale warning sa seaboards ng Batanes at Cagayan kasama ang Babuyan Islands kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyan pandagat na huwag munang pumalaot.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.

Facebook Comments