Napanatili ng Bagyong “Lannie” ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran ng West Philippine Sea.
Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 kilometers kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 KM/H.
Wala nang lugar sa bansa ang nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Gayunman, patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang Palawan kasama ang Calamian, Kalayaan at Cuyo Islands.
Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng mga pag-ulan naman ang iiral sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.