Bagyong Lawin, Nakalabas Na Ng Bansa – Storm Warning Signals, Inalis Na

MANILA – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Lawin pasado ala-5:00 ng hapon kahapon.Sa huling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 390 kilometro, kanluran, hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.Kumikilos si Lawin ng pa-hilagang kanluran ang bagyo sa bilis na 19 kph.Ngayong araw ay inaasahang nasa 850 kilometro west, northwest ng Basco, Batanes at maglalandfall sa Southern China.Binabalaan pa rin ang mga sasakyang pandagat na mapanganib pa ring pumalaot partikular sa buong seaboards ng northern luzon at western seaboards ng central luzon.Posible pa ring magkaroon ng landslides sa ilang lugar Nueva Ecija, Quirino, Tarlac, Pangasinan, Nueva Viscaya, Benguet, Mountain Province, Kalinga, Ilocos Sur, Abra at Apayao.Sa ngayon ay wala pang nakikitang namumuong sama ng panahon na papasok sa PAR.Samantala, opisyal na ring inanunsyo ng PAGASA ang pagtatapos ng “habagat season” at nasa transition stage na patungong “amihan season” na magdadala ng malamig na panahon sa bansa.SUNRISE – 5:49 AMSUNSET – 5:33 PM

Facebook Comments