Bagyong Leon, nanatiling malakas habang kumikilos pakanluran sa Philippine Sea

Nanatiling malakas ang Bagyong Leon habang kumikilos pakanlurang bahagi ng Philippine Sea sa bilis na 20 kilometer per hour (kph).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,195 km Silangan ng Central Luzon na may lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Maaaring ideklara ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa mga bahagi ng Cagayan Valley at hilagang-silangan na bahagi ng Bicol region mamayang gabi.


Samantala, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Occidental Mindoro, at Palawan.

Maaapektuhan din ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa bahagi ng Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Paalaala ng PAGASA sa publiko, maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments