Bagyong Liwaylay, bahagyang lumakas habang kumikilos Pahilaga

Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Liwayway.

Huling namataan ang bagyo sa layong 285 Kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 Kilometers pero hour at pagbugsong nasa 90 Kilometers per hour.


Tinatahak nito ang direksyong North Northwest sa bilis na 25 Kilometer per hour.

Nakataas ang Tropical Cycone Wind Signal Number 1 sa Batanes.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, magdadala ng mga pag-ulan ang bagyo sa Cagayan kasama ang Batanes at Babuyan Group of Islands.

Pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat na nakakaapekto sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Sa ngayon, mababa ang tiyansang tumama ng kalupaan ang bagyo pero posible itong maging Severe Tropical Storm.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas o sa Huwebes.

Facebook Comments