Bagyong Liwayliway, mataas ang tiyansang maging Tropical Storm pero hindi magla-landfall

Mataas ang tiyansang maging Tropical Storm ang Tropical Depression ‘Liwayway.’

Huling namataan ang bagyo sa layong 335 Kilometers Hilangang Silangan ng guiuan, eastern Samar o 365 Kilometer Silangan ng Virac, Catanduanes.

Bahagyang lumakas ang dala nitong hanging aabot sa 55 Kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Kumikilos ito North-Northwest sa bilis na 35 kph.

Mababa ang posibilidad na tumama sa kalupaan ang bagyo pero kapag lumapit na ito sa Cagayan area, posibleng magkaroon na ng pag-ulan.

Dahil sa trough o buntot ng Bagyong Liwayway, inaasahan ang mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas.

Dahil naman sa habagat, mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Palawan at Western Visayas.Inaasahang maglalabas ang pagasa ng bagong Weather Bulletin ngayong alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments