Bagyong Liwayway, bahagyang lumakas at tutumbukin ang China-Taiwan area

Lalo pang lumakas ang tropical storm Liwayway.

Huling namataan ang bagyo sa layong 255 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.

Bitbit nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong nasa 105 kph.


Kumikilos ito hilaga – hilagang kanlunran sa bilis na 20 kph.

Ayon sa DOST-PAGASA weather specialist Ana Cluaren – nagdadala na ng mga pag-ulan ang bagyo sa Cagayan Valley Region.

Dahil hinahatak nito ang hanging habagat, magpapaulan ito sa kanlurang bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Mababa ang tiyansang tumama ng lupa ang bagyo pero mataas ang posibilidad na maging severe tropical storm ito.

Facebook Comments