Naging ganap nang Typhoon ang Bagyong Liwayway.
Huling namataan ang bagyo sa layong 265 Kilometers East-Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 Kilometers per hour at pagbugsong nasa 150 Kilometers per hour.
Kumikilos ito North-Northeast sa bilis 10 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes.
Ang trough o buntot ng bagyo ay nagdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang asahan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila, hilagang bahagi ng palayan, at Mindoro Provinces dahil sa hanging habagat.
Hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyo at lalabas sa Philippines Area of Responsibility bukas ng hapon o gabi.