Nasa border na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Liwayway.
Namataan ang bagyo sa layong 505 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Lumakas pa ang dala nitong hanging nasa 155 kilometers per hour at pagbugsong nasa 190 kph.
Bumagal ito sa 10 kph at kumikilos pahilaga.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – kung hindi magbabago ang kanyang bilis, lalabas na ito ng PAR mamayang gabi.
Patuloy pa ring hahatakin ng bagyo ang hanging habagat na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Samantala, may binabantayang Low Pressure Area (LPA) at pumasok na ito ng PAR na nasa silangan ng Surigao del Sur.
Ang buntot o trough ng LPA ay nakakaapekto na sa Caraga at Davao Region.
Facebook Comments