Kasunod ng paghagupit ng bagyong Mangkhut sa Guam patuloy na mino-monitor ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA mayroong tinatayang 63,000 Filipinos sa Guam at Northern Mariana Islands, mga lugar na napuruhan ng typhoon Mangkhut.
Sa ulat ng Philippine Consulate General sa Agana walang Pinoy casualties sa pananalasa ng bagyo.
Pero magkagayunman, tuloy pa rin ang koordinasyon ng ating konsulada sa mga lider ng Filipino community sa Guam at Northern Marianas saka-sakaling kailanganin nila ng tulong.
Sa ngayon nakataas pa rin ang conditions of readiness 1 sa mga nabanggit na lugar kung saan pinapayuhan ng Guam Office of Civil Defense ang publiko na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan hanggat hindi pa ligtas na lumabas.