Bagyong Marce, Na Nasa Labas Ng Bansa Lalo Pang Lumakas At Bumagal

9

MANILA – Mula sa pagiging tropical depression, lumakas pa ngayon ang binabantayang bagyo nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.Isa na ngayong tropical storm ang bagyo na may International Name na “Meari” na tatawagin Marce pagpasok ng PAR.Huling namataan ang bagyo sa 1,385 kilometer East ng Luzon o nasa labas pa ng bansa.Taglay na nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.Lalo pang bumagal ang kilos ng bagyo at halos hindi na gumagalaw.Sa ngayon ay Intertropical Convergence Zone ang nakakaapekto sa southern part ng Luzon, Visayas at Mindanao habang Northeast Monsoon ang sa Northern at Central Luzon.

Facebook Comments