Bagyong Marilyn, napanatili ang lakas habang nasa silangan ng Luzon

Napanatili pa rin ng tropical depression Marilyn ang dala nitong lakas.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,150 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot ng 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Bumagal ang bilis nito sa 10 kph at kumikilos ng 10 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – kahit walang direktang epekto sa bansa ang bagyo palalakasin nito ang hanging habagat.

Dagdag pa ni Mendoza, hindi na inaasahang lalakas pa ang bagyo.

Dahil sa epekto ng habagat, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Aurora, Quezon, Bicol Region, maging sa Mimaropa.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ng panahon.

Asahan din ang ulan sa buong Kabisayaan at sa Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments