Bagyong Maring, bumilis habang papalapit ng Babuyan Island

Bumilis ang Bagyong “Maring” habang papalapit ng Babuyan Island.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 150 km East, Northeast ng Aparri, Cagayan o 170 km, East Southeast ng Calayan, Cagayan (18.8°N, 123.0°E).

Taglay ang lakas na hanging 95 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 115 km/h.


Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 km/h pakanluran.

Sa 12-hour forecast ng PAGASA, mamayang gabi ay nasa coastal waters na ng Calayan, Cagayan ang Bagyong Maring.

Facebook Comments