Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm ‘Maring’.
Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 315 kilometers kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong 125 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa:
Batanes
Cagayan kasama ang Babuyan Islands
Hilagang bahagi ng Isabela
Apayao
Kalinga
Mountain Province
Abra
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Habang Signal no. 1 sa:
Natitirang bahagi ng Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Ifugao
Benguet
La Union
Pangasinan
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Pampanga
Bulacan
Hilagang bahagi ng Bataan
Hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands