Bagyong “Maring”, palabas na ng PAR; Signal No. 2 nakataas pa rin sa siyam na lugar sa Luzon

67

Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm ‘Maring’.

Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 315 kilometers kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong 125 km/h.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa:

 Batanes
 Cagayan kasama ang Babuyan Islands
 Hilagang bahagi ng Isabela
 Apayao
 Kalinga
 Mountain Province
 Abra
 Ilocos Norte
 Ilocos Sur



Habang Signal no. 1 sa:

 Natitirang bahagi ng Isabela
 Nueva Vizcaya
 Quirino
 Ifugao
 Benguet
 La Union
 Pangasinan
 Aurora
 Nueva Ecija
 Tarlac
 Zambales
 Pampanga
 Bulacan
 Hilagang bahagi ng Bataan
 Hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands


Facebook Comments