Manila, Philippines – Nakalabas na kagabi ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Nando.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 625 km west ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph pero wala na itong direktang epekto sa bansa.
Tinatahak nito ang direksiyong west north-west sa bilis na 24 kph at tinutumbok ang timog na bahagi ng China at hilaga ng Vietnam.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng teritoryo ng Pilipinas at nasa silangang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito, posibleng maging maulan sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Metro Cebu.
Sunrise : 5:45
Sunset : 5:51
Facebook Comments